Rona: Yeah. It is.
Tempus fugit. Freshman year had been a blur. Parang rumaragasang Porsche Carrera GT lang. Wooosh. Speed.
Should I recap the events, my (mis)adventures and frien(emies) that I made?
Blah. Wag na.
Ngayon nga lang, hirap na hirap ako magisip ng sasabihin. Siguro dahil sabaw pa ang utak ko dahil sa finals. Oh baka dahil talagang nagbakasyon ang utak ko, inunahan pa 'ko. Sana neither.
Nga pala, salamat kay Thea at Cheska sa masasayang pagkakataong sinipag akong umattend ng English 1. Wala tayong ginawa kundi magdaldalan sa likod (at kumain, courtesy of Cheska). Ang dami nga nating natutunan. Hindi nga lang galing kay Ma'am. :D
Salamat kina Morgan, Ivy, Kenji at Nikki na kasama kong kinabahan sa mga pamatay na graded recitations ni Ma'am Gripaldo sa Kas1. Mamimiss ko ang pagiging boy-crazy niyo, lalo na sina Ivy't Kenji. :D
Salamat kina Venice (seatmate!), Danielle at Roxie dahil nagenjoy ako sa pangbabalahura natin kay Ma'am at sa kanyang aversion to heat and ceiling fan noise. Pinapatay niya lagi yung ceiling fan kasi maingay daw, pero naiinitan naman siya. Ano daw? Pati na rin kina Harmond, Vic at Precious na talaga namang masayang kausap, salamat. Mamimiss ko ang ating English 12. Except kay Ma'am. At ang tendency ng kanyang mind to...wander to places we (the students) cannot reach. :D
Salamat kay Ate (!), Cheska (ulit) at Jomar dahil at least di ako nakatulog sa NatSci1 dahil sa kakornihan ni Dr. Abastillas. Pero aminin na natin na ang kanyang halakhak ay certified shock inducer haha.
Salamat kina Carlito, Alvin, Pam, Alyssa, Noelle, Regine, Alyanna, Lord (tao ito), Hender, Rainbow, Eliza, Maricris at Angel dahil naging bongga ang French 10 at 11 ko dahil sa mga dynamic at kakaiba niyong personalities.
Salamat kina Jen, Andrew, Hazel, Ian Kim, Rosie, Claire at Chindie. Kayo ang mga kasama ko nang una kong maexperience ang ma-boycott ng isang propesor. You know what I'm talkin about. Enough said. :D
Salamat kina Morgan (ulit), Cheska (ULIT. haha) at Zy dahil sama-sama tayong nagrelax sa Bio1 natin kay Herrera. Uy ang taas ng grade ko dun, walang report-report yan. :P