Showing posts with label neil. Show all posts
Showing posts with label neil. Show all posts

8.9.09

Para Sa Manunulat na si N.

8.9.09
Anong buwan na nga ba ngayon?

Ah. September.

Masarap pala mag-cut ng isang walang kakwenta-kwentang class na kung saan ang prof ay dakdak lang ng dakdak kahit tulog na ang mga estudyante niya. Mabait naman si Sir P.E., kaya lang sadyang hindi siya stimulating. Well, kung gusto mong ma-stimulate ang melatonin (
N-acetyl-5-methoxytryptamine) mo, go ka lang sa kanyang class.

Remember yung Bio1 class natin? Pag nag-cut ako, andun ka. At kung kelan naman ako umattend, dun ka wala. Saya. Salisihan. Taguan.

Did you know? Gumawa ako ng blog tungkol sa'yo. It's nothing spectacular. Actually puro ramblings lang 'yun tungkol...well...tungkol sa 'yo. Duh.

Ilang buwan ko na din yun hindi na-update. Kahit ito ngang basurang blog (wow! alliteration!) na ito ay hindi ko na masyadong nababalikbalikan (obvious ba?). Well, at least alam kong may isa o dalawa akong masugid na mambabasa (i.e. tagabantay. HI TAY!).

Back to the blog. Binasa ko ulit ngayon. Natawa ako (i.e. humagalpak) sa mga pinagsususulat ko. Gusto mo mabasa ang ibang excerpt? Sige. Ihahain ko sa'yo chronologically.

---

March 18. Wednesday.
UNO.

"Pero inaamin ko. Napukaw mo ang interes ko nang makita kita sa pagitan ng double doors sa room natin sa NIGS. Papasok ka ng room, at ang naisip ko na lang, "Waw. Parang si Raymond Marasigan." - O ha. Para kang si Raymond Marasigan. Flattered ka no? Aminin. :D

"Siguro nangyari nung nakasalubong kita at sinabi kong, "Uy, walang class ngayon."
Sabi mo, "Ah walang class?" Sabay ngiti." - I know, I know. I am mushy. Go tell the Pope.

"Nagbasa ako.
At nag-increase ang speed (o acceleration? Ewan. Di ako physicist.) ng free fall ko. Writer ka nga pala. Hindi nag-sink in sa kamalayan ko until mabasa ko ang mga saloobin at gawa mo.
Wala akong masabi. Hindi naman ako established writer. Lalong hindi ako critic. Basta, ang blog mo ang propulsion.
Sino ang stimulus?
Ikaw." - isa pang ka-mushy-han. I don't do this often. Actually, this was the first time I've written in this way. And I don't think kaya kong i-replicate ito. I don't think I have any reason to.

March 19. Thursday.
DOS.

"Hindi naman kasi lahat ng babae eh gusto ang matangkad, maputi, chinito. Hello. You don't see me fawning over Chris Tiu, do you? On the contrary, I find him too...bland for my tastes. He's like a lapdog. LOL." - Sorry sa mga mahal kong kaibigan sa admu na makakabasa nito. Joke lang yan ha. For the sake of my (nonexistent) argument lang yang jab ko kay Chris Tiu. Honestly, what's not to like about him? He's nearly perfect, it's disgusting. JOKE. :D


March 20. Friday.
TRES.

"Hindi kita nakita ngayon.
(Cue chorus of wailing souls from the depths of Hell.)"

"Lahat ng tao complicated- biologically, psychologically o financially man 'yan. Pero ikaw? Sa tingin ko tinalo mo pati babaeng nagp-PMS (pre-menstrual syndrome) dahil sa complexity mo. Hoy, compliment 'yon. I mean it when I say that..." - Haha. Hanggang dun na lang. Nakakahiya na yung sunod kong sinabi eh. Too mushy. Too un-Rona-like.

"You trashed structure and replaced it with freedom." - Oo. Idol kita hanggang ngayon. Sana maging Palanca Awardee la, or National Artist sa hinaharap. Aabangan ko yan, ha?

March 21. Saturday.
CUATRO.

"...eh di sana tumalon na lang ako mula sa billboard ni Edu Manzano sa Tandang Sora. Mas madali pa.
Quick and painless, kung tamang anggulo ang pagbagsak ko." - Nope. Hindi. Hindi ako suicidal. Gago. I'm not really saying what I meant to say. Capische?

March 25. Wednesday.
CINCO.

"Naka-pink polo shirt ka noon. With white stripes pa. Naisip ko, Ayan ang patunay na real men wear pink." - Yeeeeesh. Manly ang pink pag ikaw ang nagsuot. :D

May 29. Friday.
SEIS.

"Akala ko, nawala na ang turbulent emotions that I pegged as childish admiration. Bakit ngayon, nang.." - and once again, ni-cut ko na dyan. Overly mushy and so unlike me.

"Ang pangit mo 'pag nakainom ka. Okay yung ruffled-look mo na parang kakagising na rockstar, pero 'pag hinaluan na ng alcohol...eeeew. Tsk."

"Inimagine kita na lasing na lasing, pagewang-gewang, mabantot, masangsang, namumula ang mata, mabaho ang hininga, at nagsusuka. Inisip ko kasi, baka maturn-off ako.
Aba! Masochista 'ata ako, kasi hindi nawala.
Hindi nawala." - mind you, vivid ang imagination ko. The mere fact that I still found you cute kahit malala ka pa sa presong pinakawalan sa strip club ay REMARKABLE. EPIC.


----

Ayan. It's either you're freaked out, or indifferent, o sanay na, o kaya naman ay flattered sa mga sinabi ko. Buti nga, excerpt lang yang mga yan. Kung gusto mo pang mawindang, hingin mo sa'kin yung URL.

On second thought, wag na. Kasi dedelete ko na din eh. Bakit?

Gago ka ba? Do you expect me to rot away in this hole I've dug for myself? NO THANKS. I'd rather disprove the existence of my cardiac organ. Magpakasaya ka dyan sa bundok mo.

HIndi ako galit. Badtrip lang. Kasi naman bumabagyo na naman pero hindi nila sinuspend yung classes. Tsk. M*therf*ckers.

Napansin ko lang. Nowadays I'm prone to rambling on and on and on about crap-knows-what. Without any direction whatsoever. Tungkol ba saan ang blog na ito? Noong una eh akala ko isa itong pamamaalam. On second thought, alam kong isa itong pagalala.

28.3.09

Merci beaucoup, mes amis :)

28.3.09
It's over.

Rona: Yeah. It is.

Tempus fugit. Freshman year had been a blur. Parang rumaragasang Porsche Carrera GT lang. Wooosh. Speed.

Should I recap the events, my (mis)adventures and frien(emies) that I made?

Blah. Wag na.

Ngayon nga lang, hirap na hirap ako magisip ng sasabihin. Siguro dahil sabaw pa ang utak ko dahil sa finals. Oh baka dahil talagang nagbakasyon ang utak ko, inunahan pa 'ko. Sana neither.

Nga pala, salamat kay Thea at Cheska sa masasayang pagkakataong sinipag akong umattend ng English 1. Wala tayong ginawa kundi magdaldalan sa likod (at kumain, courtesy of Cheska). Ang dami nga nating natutunan. Hindi nga lang galing kay Ma'am. :D

Salamat kina Morgan, Ivy, Kenji at Nikki na kasama kong kinabahan sa mga pamatay na graded recitations ni Ma'am Gripaldo sa Kas1. Mamimiss ko ang pagiging boy-crazy niyo, lalo na sina Ivy't Kenji. :D

Salamat kina Venice (seatmate!), Danielle at Roxie dahil nagenjoy ako sa pangbabalahura natin kay Ma'am at sa kanyang aversion to heat and ceiling fan noise. Pinapatay niya lagi yung ceiling fan kasi maingay daw, pero naiinitan naman siya. Ano daw? Pati na rin kina Harmond, Vic at Precious na talaga namang masayang kausap, salamat. Mamimiss ko ang ating English 12. Except kay Ma'am. At ang tendency ng kanyang mind to...wander to places we (the students) cannot reach. :D

Salamat kay Ate (!), Cheska (ulit) at Jomar dahil at least di ako nakatulog sa NatSci1 dahil sa kakornihan ni Dr. Abastillas. Pero aminin na natin na ang kanyang halakhak ay certified shock inducer haha.

Salamat kina Carlito, Alvin, Pam, Alyssa, Noelle, Regine, Alyanna, Lord (tao ito), Hender, Rainbow, Eliza, Maricris at Angel dahil naging bongga ang French 10 at 11 ko dahil sa mga dynamic at kakaiba niyong personalities.

Salamat kina Jen, Andrew, Hazel, Ian Kim, Rosie, Claire at Chindie. Kayo ang mga kasama ko nang una kong maexperience ang ma-boycott ng isang propesor. You know what I'm talkin about. Enough said. :D

Salamat kina Morgan (ulit), Cheska (ULIT. haha) at Zy dahil sama-sama tayong nagrelax sa Bio1 natin kay Herrera. Uy ang taas ng grade ko dun, walang report-report yan. :P


Hindi ko maaaring makalimutan si Neil. Salamat sa 'yo. :)


Salamat kina Slegna, Martha, Miho, Lei, Kuya Justin, Armand at Lea. Masaya ang MS1. Si Ma'am, hindi.


Salamat kina Meilee, Ramil, Rea at Neil (ulit. *insert lovestruck sigh here*). Mabuhay si Ma'am Roderos. Pero ang mga exams niya, please lang. Kinailangan ko ng blood transfusion matapos lumabas sa classroom niya. (read: execution chamber). Kahit dugo ng manok pinatos ko na.


Salamat kina Trish, Faye, Aicel, Julie, Laura, Daryl, Melissa, Criselda, Nico, Jaimee, Abi, Ate Abi, Claire, Karla, Gorby, Philip, Angelica at Steff. Goodluck naman sa atin. Feeling ko probi ako. T___T


At syempre pa, hindi ko maaaring malimutan sina JIHAN, SARAH at ROSELLE na simula pa lang ay kasama ko na sa masalimuot na mundo ng EL. Mahal ko kayo, mga kaibigan. :D


Naging makabuluhan ba ang unang semestre?


Ikaw ang magsabi.