8.9.09

Para Sa Manunulat na si N.

8.9.09
Anong buwan na nga ba ngayon?

Ah. September.

Masarap pala mag-cut ng isang walang kakwenta-kwentang class na kung saan ang prof ay dakdak lang ng dakdak kahit tulog na ang mga estudyante niya. Mabait naman si Sir P.E., kaya lang sadyang hindi siya stimulating. Well, kung gusto mong ma-stimulate ang melatonin (
N-acetyl-5-methoxytryptamine) mo, go ka lang sa kanyang class.

Remember yung Bio1 class natin? Pag nag-cut ako, andun ka. At kung kelan naman ako umattend, dun ka wala. Saya. Salisihan. Taguan.

Did you know? Gumawa ako ng blog tungkol sa'yo. It's nothing spectacular. Actually puro ramblings lang 'yun tungkol...well...tungkol sa 'yo. Duh.

Ilang buwan ko na din yun hindi na-update. Kahit ito ngang basurang blog (wow! alliteration!) na ito ay hindi ko na masyadong nababalikbalikan (obvious ba?). Well, at least alam kong may isa o dalawa akong masugid na mambabasa (i.e. tagabantay. HI TAY!).

Back to the blog. Binasa ko ulit ngayon. Natawa ako (i.e. humagalpak) sa mga pinagsususulat ko. Gusto mo mabasa ang ibang excerpt? Sige. Ihahain ko sa'yo chronologically.

---

March 18. Wednesday.
UNO.

"Pero inaamin ko. Napukaw mo ang interes ko nang makita kita sa pagitan ng double doors sa room natin sa NIGS. Papasok ka ng room, at ang naisip ko na lang, "Waw. Parang si Raymond Marasigan." - O ha. Para kang si Raymond Marasigan. Flattered ka no? Aminin. :D

"Siguro nangyari nung nakasalubong kita at sinabi kong, "Uy, walang class ngayon."
Sabi mo, "Ah walang class?" Sabay ngiti." - I know, I know. I am mushy. Go tell the Pope.

"Nagbasa ako.
At nag-increase ang speed (o acceleration? Ewan. Di ako physicist.) ng free fall ko. Writer ka nga pala. Hindi nag-sink in sa kamalayan ko until mabasa ko ang mga saloobin at gawa mo.
Wala akong masabi. Hindi naman ako established writer. Lalong hindi ako critic. Basta, ang blog mo ang propulsion.
Sino ang stimulus?
Ikaw." - isa pang ka-mushy-han. I don't do this often. Actually, this was the first time I've written in this way. And I don't think kaya kong i-replicate ito. I don't think I have any reason to.

March 19. Thursday.
DOS.

"Hindi naman kasi lahat ng babae eh gusto ang matangkad, maputi, chinito. Hello. You don't see me fawning over Chris Tiu, do you? On the contrary, I find him too...bland for my tastes. He's like a lapdog. LOL." - Sorry sa mga mahal kong kaibigan sa admu na makakabasa nito. Joke lang yan ha. For the sake of my (nonexistent) argument lang yang jab ko kay Chris Tiu. Honestly, what's not to like about him? He's nearly perfect, it's disgusting. JOKE. :D


March 20. Friday.
TRES.

"Hindi kita nakita ngayon.
(Cue chorus of wailing souls from the depths of Hell.)"

"Lahat ng tao complicated- biologically, psychologically o financially man 'yan. Pero ikaw? Sa tingin ko tinalo mo pati babaeng nagp-PMS (pre-menstrual syndrome) dahil sa complexity mo. Hoy, compliment 'yon. I mean it when I say that..." - Haha. Hanggang dun na lang. Nakakahiya na yung sunod kong sinabi eh. Too mushy. Too un-Rona-like.

"You trashed structure and replaced it with freedom." - Oo. Idol kita hanggang ngayon. Sana maging Palanca Awardee la, or National Artist sa hinaharap. Aabangan ko yan, ha?

March 21. Saturday.
CUATRO.

"...eh di sana tumalon na lang ako mula sa billboard ni Edu Manzano sa Tandang Sora. Mas madali pa.
Quick and painless, kung tamang anggulo ang pagbagsak ko." - Nope. Hindi. Hindi ako suicidal. Gago. I'm not really saying what I meant to say. Capische?

March 25. Wednesday.
CINCO.

"Naka-pink polo shirt ka noon. With white stripes pa. Naisip ko, Ayan ang patunay na real men wear pink." - Yeeeeesh. Manly ang pink pag ikaw ang nagsuot. :D

May 29. Friday.
SEIS.

"Akala ko, nawala na ang turbulent emotions that I pegged as childish admiration. Bakit ngayon, nang.." - and once again, ni-cut ko na dyan. Overly mushy and so unlike me.

"Ang pangit mo 'pag nakainom ka. Okay yung ruffled-look mo na parang kakagising na rockstar, pero 'pag hinaluan na ng alcohol...eeeew. Tsk."

"Inimagine kita na lasing na lasing, pagewang-gewang, mabantot, masangsang, namumula ang mata, mabaho ang hininga, at nagsusuka. Inisip ko kasi, baka maturn-off ako.
Aba! Masochista 'ata ako, kasi hindi nawala.
Hindi nawala." - mind you, vivid ang imagination ko. The mere fact that I still found you cute kahit malala ka pa sa presong pinakawalan sa strip club ay REMARKABLE. EPIC.


----

Ayan. It's either you're freaked out, or indifferent, o sanay na, o kaya naman ay flattered sa mga sinabi ko. Buti nga, excerpt lang yang mga yan. Kung gusto mo pang mawindang, hingin mo sa'kin yung URL.

On second thought, wag na. Kasi dedelete ko na din eh. Bakit?

Gago ka ba? Do you expect me to rot away in this hole I've dug for myself? NO THANKS. I'd rather disprove the existence of my cardiac organ. Magpakasaya ka dyan sa bundok mo.

HIndi ako galit. Badtrip lang. Kasi naman bumabagyo na naman pero hindi nila sinuspend yung classes. Tsk. M*therf*ckers.

Napansin ko lang. Nowadays I'm prone to rambling on and on and on about crap-knows-what. Without any direction whatsoever. Tungkol ba saan ang blog na ito? Noong una eh akala ko isa itong pamamaalam. On second thought, alam kong isa itong pagalala.

1 comments:

Allyne said...

Hi Rona! Kamusta ka na? Kamusta rin pala kayo diyan sa bahay niyo after Ondoy? Ok naman ba kayo? Sana oo.

Anyway, ang taas naman ng person na ito... ala Rayamund Marasigan!
As for Chris Tui, haha! Hindi ko din siya type:P
Nakakacurious naman ang taong ito. Thou shall share soon Rona-chan! Miss you! Ingat palagi :D